Speed limiter sa bus lusot na
MANILA, Philippines - Lusot na sa committee level ng Kamara ang panukalang batas para obligahin ang mga operator na maglagay ng speed limiter sa kanilang mga bus at iba pang pampublikong sasakyan.
Sa ammended bill, hindi papayagan ng LTFRB na makapagparehistro ang mga bus na walang speed limiter.
Ang mga driver o operator ng bus o iba pang pampublikong sasakyan na walang speed limiter ay papatawan ng P50,000 multa.
Kung tampered o hindi gumagana ang speed limiter subalit pinapabiyahe pa rin ay masususpinde ang lisensya ng driver ng 3 buwan, at 6 buwang suspensyon ng prangkisa ng operator.
Ang mapapatunayang nagtamper ng speed limiter ay maaaring mabilanggo ng mula anim na buwan hanggang tatlong taon.
- Latest