3 impeachment vs PNoy ‘sufficient in form’
MANILA, Philippines - Idineklarang “sufficient in form” ng House Committee on Justice ang tatlong impeachment complaint laban kay Pangulong Aquino.
Sa unang reklamo na inendorso ni Bayan Muna Rep. Neri Colmenares, 53 miyembro ng komite ang bumoto ng pabor, isa ang kontra at isa ang nag-abstain.
Inakusahan dito si Aquino ng culpable violation of the Constitution at betrayal of public trust dahil sa isyu ng Disbursement Acceleration Program (DAP).
Sa pangalawang reklamo, 42-7-4 ang naging botohan kaya idineklara rin itong sufficient in form.
Ang nasabing reklamo ay inihain ng grupong Youth Act now at 28 iba pa na inindorso ni Kabataan partylist Rep.Terry Ridon.
Wala naman kahirap-hirap na naipasa ang complaint 003 matapos magkaroon ng unanimous decision ang mga kongresista.
Isinampa ang nasabing reklamo nina Satur Ocampo at dating Cong. Teddy Casiño kaugnay naman sa usapin ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) na inindorso nina Gabriela partylist Reps.Emmi de Jesus at Luz Ilagan.
Muling magsasagawa ng pagdinig ang komite sa Setyembre 2 para pagbotohan “ang sufficient in substance“.
Kapag pumasa ay iko-consolidate ang tatlong reklamo bago tutukuyin kung may probable cause.
- Latest