P1-M reward ng AGRIS
MANILA, Philippines - Magbibigay ng P1 milyong reward ang grupong Alliance of Grains Industry Stockholders of the Philippines (AGRIS) sa sinumang makapagtuturo na nagbebenta ng NFA rice sa hindi tamang presyo at nagsu-supply nito sa hindi tamang lugar.
Ayon kay AGRIS vice chairman Jojo Soliman, handa silang magbigay ng P1 million pabuya sa sinumang taong makapagtuturo laban sa mga mapagsamantalang supplier ng bigas bilang solution laban sa patuloy na pagtaas ng presyo ng NFA rice at commercial rice.
Sinabi ni Soliman, na walang ibang makakapagresolba ng pagtaas ng presyo ng NFA rice, maging ang commercial rice sa merkado kundi magtulungan aniya ang malalaking rice traders sa Northern Luzon at tigilan na ang magturuan pa.
Aniya, huwag na tayong magsisihan bagkus ay magtulungan na lamang tayo alang-alang sa mahihirap na umaasa na makakabili ng murang bigas sa merkado.
Dahil sa masamang akusasyon sa ibang matitinong negosyante ng bigas, kung kaya’t magbibigay ang AGRIS ng reward.
- Latest