Tax exemption itataas sa P100K
MANILA, Philippines - Nais ng isang mambabatas na taasan ang personal exemption para sa individual taxpayers sa P100,000 mula sa kasalukuyang P50,000 upang mabawasan ang paghihirap ng mga ito.
Nakapaloob sa House bill 4705 ni Bacolod City Rep. Evelio Leonardia ang pag-amyenda sa Section 35 (A) ng Republic Act 8424, o “National Internal Revenue Code of 1997.”
Ayon umano sa National Statistical Coordination Board (NSCB), ang poverty incidence sa bansa ay nasa 28.8% noong 2006, 28.6% noong 2009 at 27.9% sa unang bahagi ng 2012.
Sinabi ng mambabatas na kung titignan maigi ang naturang datos, hindi umayos ang poverty incidence mula 2006 hanggang 2012 kaya dapat pumayag ang gobyerno na mabawasan ang paghihirap ng taumbayan.
Sa ilalim ng batas, ang personal tax exemptions ng bawat indibidwal ay nasa P50,000 lamang.
- Latest