^

Bansa

Truck na may biyahe sa Manila port hindi huhulihin - LTFRB

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagpalabas ng moratorium ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na nagsasaad na libre sa huli ang mga truck na may biyahe sa Manila International Container Port.

Ayon kay LTFRB Chairman Winston Ginez, mula kahapon, August 22 ay walang huhulihing truck na tutungo ng naturang daungan kahit wala itong maipapakitang provisional authority (PA).

Ang provisional autho­rity ng LTFRB ay nagbibigay pahintulot sa mga truck na puti pa ang plaka na ma­kabiyahe sa alinmang ruta nito hanggang October 17 para mairehistro at magkaroon ng yellow plates.

Niliwanag ni Ginez na habang wala pang PA ang ilang mga truck pero may biyahe sa mga dau­ngan sa Maynila, hindi ito maaaring hulihin basta’t kukuha lamang ang mga may-ari ng truck ng port user’s certficate mula sa Philippine Ports  Authority (PPA) upang maipakita ito sa mga enforcers na sisita sa kanila.

Anya, pagbibigyan naman ng ahensya na makahabol pa  para makakuha ng PA ang mga truck owners na hindi nakakuha nito noong August 15 deadline.

Niliwanag ni Ginez na hanggang hindi lumuluwag ang MICP mula sa tambak na mga container vans ay hindi matatapos ang implementasyon ng naturang moratorium.

ANYA

AYON

CHAIRMAN WINSTON GINEZ

GINEZ

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING AND REGULATORY BOARD

MANILA INTERNATIONAL CONTAINER PORT

NILIWANAG

PHILIPPINE PORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with