^

Bansa

RI President dumating sa Pinas

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa kauna-unahang pagkakataon, dumating kahapon sa Pilipinas ang Pangulo ng Rotary International (RI) na si Gary C.K. Huang ng Taiwan para sa kanyang limang araw na pagbisita.

Ayon kay RI District 3810 Governor Edmond Aguilar, tatagal ng limang araw sa bansa si RI Pres. Huang mula Agosto 21 hanggang Agosto 25. Sa kanyang pagdating sa Manila kasama ng kanyang maybahay na si Corina, si RI Pres. Huang ay tumungo sa Coconut Palace para sa courtesy call kay Vice President Jejomar Binay.

Ngayong araw, bibisita si RI Pres. Huang  sa Tuloy sa Don Bosco, isang internationall acclaimed shelter at educational center ng mga street children sa Alabang, Muntinlupa City at makakadaupang-palad nito ang may 800 batang benepisaryo at mga miyembro ng Rotary Community Corps (RCCs) na nagmula pa sa iba’t ibang RI Districts sa bansa. Sinabi ni Aguilar na pinaka-highlights sa pagbisita ang isang malaking pagtitipon na may temang “Dinner with RI President Gary C.K. Huang” sa Philippine Hotel Sofitel  na inaasahang dadaluhan ng may 1,200 Rotarians mula sa RI Districts 3770, 3780, 3790, 3800, 3810 (Manila, Mindoro at Cavi­te area), 3820, 3830, 3850, 3860, at 3870 at kikilalanin ang mga major donors.

Kabilang sa dadalo sa pagtitipon ang Rotary Club of Manila Prime at iba pang Rotary Clubs ng Manila Taft, Manila Midtown, Mabini, Jose Abad Santos, Trece Martirez, Pasay Millennium, San Marcelino, Hiyas ng Maynila, Ramon Magsaysay, Tondo, Manila 101 at Ermita. Bukas, Aug 23, panauhing pandangal din si Huang sa pagtitipon ng Rotary Club of Makati West na inihanda ni RI Director Guiller Tumangan na dadaluhan ng may 10 Philippine Rotary District Governors at kanilang mga asawa. 

 

vuukle comment

AGOSTO

COCONUT PALACE

DIRECTOR GUILLER TUMANGAN

DON BOSCO

GARY C

GOVERNOR EDMOND AGUILAR

HUANG

JOSE ABAD SANTOS

MANILA MIDTOWN

MANILA TAFT

MUNTINLUPA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with