^

Bansa

Pinoy evacuees nakaranas ng diskriminasyon sa Malta

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagkaroon umano ng matinding diskriminasyon at pambabastos ang mga Pinoy habang sakay ng isang chartered vessel habang lumilikas patu­ngong Malta mula Libya.

Pinaiimbestigahan na ng Department of Fo­reign Affairs (DFA) ang reklamo ng ilang Pinoy evacuees na nakaranas ng diskriminasyon sa mga crew ng barko na kanilang sinakyan.

Bukod sa DFA, ina­alam na ng Labor Department at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang tunay na sinapit ng mga Pinoy evacuees.

Sinabi ng isang OFW na kabilang sa may halos 800 Pinoy na inilikas sa Libya na habang sila ay sakay ng nasabing barko ay nakaranas sila ng hindi tamang pagtrato mula sa mga crew.

Sa kanilang halos da­lawang oras na paglalayag sa karagatan, hindi umano nabigyan ang mga Pinoy ng sapat na pagkain at tubig at maging ang cabin na tutulugan.

Isa ring Pinay umano ang binastos ng isang crew at sinabihang magpabuntis muna bago nito bibigyan ng cabin na matutulugan.

Magugunita na iniha­yag ni DFA Secretary Albert del Rosario na umupa ng barko ang Pilipinas na nagkakahalaga ng $1.8 milyon para may ma­sakyan ang mga Pinoy na nagsisilikas sa Libya patungong Malta. Mula Malta ay saka sila sasakay ng eroplano pauwi sa Pilipinas.

Ipinagtataka ng mga Pinoy evacuees ang kawalan nila ng sapat na pagkain at matutulugan sa barko samantalang milyun-milyon umano ang ginastos ng pamahalaan dito.

Samantala, sinabi ng OWWA na may dalawang batches ng OFWs ang darating ngayong araw sa NAIA mula Libya sa magkahiwalay na flights.

BUKOD

DEPARTMENT OF FO

LABOR DEPARTMENT

MULA MALTA

OVERSEAS WORKERS WELFARE ADMINISTRATION

PILIPINAS

PINOY

SECRETARY ALBERT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with