AFP walang namo-monitor na alyansa ng Abu Sayyaf at ISIS
MANILA, Philippines - Walang namo-monitor ang Armed Forces of the Philippines sa umano’y pakikipag-alyansa ng bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) sa grupo ng mga jihadist na Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) sa Middle East.
Ang ISIS ay sangkot sa mga paghahasik ng kaliwa’t kanang terorismo sa Iraq at Syria na nasa likod din ng pamumugot ng ulo sa Amerikanong freelance journalist na si James Foley na kanilang inako kahapon.
Una rito, napaulat na nasa 100 Pilipinong Muslim na hinihinalang mga Abu Sayyaf ang nagtungo umano sa Iraq at nakipag-alyansa sa ISIS para sumabak sa nangyayaring giyera sa nasabing bansa na kagagawan ng mga jihadist.
Naniniwala si Zagala na hindi pa naman maituturing na banta sa seguridad ng bansa ang ISIS.
Wala rin aniyang kakayahan ang ASG na makapagpadala ng kanilang mga tauhan sa Iraq para sumapi o makipag-alyansa sa nasabing jihadist group.
Sa kabila nito, patuloy naman ayon pa kay Zagala ang ginagawa nilang monitoring at ang lumalabas na impormasyon ay naghahayag lamang ang ASG ng kanilang suporta sa ISIS sa pamamagitan ng video at ini-upload sa social networking sites ng mga bandido.
- Latest