^

Bansa

Sen. Cayetano, misis kinasuhan ng graft, plunder sa Ombudsman

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kinasuhan ng graft at plunder sa tanggapan ng Ombudsman si Senate Majority Floor Leader Alan Peter Cayetano at kanyang asawa na si Taguig City Mayor Lani Cayetano.

Sa kanyang reklamo, sinabi ng law professor na si Atty. Roderick Vera ng Philippine Association for the Advocacy of Civil Liberties, armado siya ng mga katibayan at dokumento na nagpapatunay na may ginawang katiwalian ang mag-asawa.

Isa na anya rito ang ginawang pagbili ng mga ito ng 18 “overpriced” multicabs na may halagang $11,381 bawat isa gamit umano ang P9-milyong halaga ng pork barrel ng naturang mambabatas noong  2012.

Nagkaroon naman ng kasong pandarambong si Mayor Lani nang kumuha umano ng libong mga mang­gagawa sa Taguig na pawang “ghost employees”.

Sinasabi rin anya sa report mula sa Commission on Audit (COA) na ang mag-asawang Cayetano ay mayroong mga hindi maipaliwanag na yaman na taun-taon ay tumataas.

ADVOCACY OF CIVIL LIBERTIES

CAYETANO

ISA

KINASUHAN

MAYOR LANI

NAGKAROON

PHILIPPINE ASSOCIATION

RODERICK VERA

SENATE MAJORITY FLOOR LEADER ALAN PETER CAYETANO

TAGUIG CITY MAYOR LANI CAYETANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with