NFA officials hinamon ng lie test
MANILA, Philippines - Hinamon ni rice trader Jomerito “Jojo” Soliman si National Food Authority (NFA) administrator Arthur Juan at apat pa na sabay-sabay silang magpa-lie detector test para magkaroon ng linaw sa akusasyon nitong extortion laban kina Juan.
Nagsampa ng P15 milyong extortion complain sa National Bureau of Investigation (NBI) si Soliman laban kay Juan, sa assistant nitong si Atty. Patricia Galang at mga kasamahan umano na sina Jefferson Lee, Rainier Lim at Rommel Lim.
Ayon kay Soliman, hindi man admissible sa korte ang resulta ng lie detector test nilang anim subalit malaki ang maitutulong nito para magkalinawan sa mga isyu at akusasyon ng magkabilang panig sa kaso.
Noong nakaraang buwan ni-raid ng mga taong gobyerno ang warehouse ng Purefeeds sa Bulacan na pag-aari ni Soliman dahil umano sa may halong pagkaing hayop ang produktong bigas nito, na mariin namang pinasinungalingan ni Soliman.
Inayunan naman ito ni NFA director Rex Estoperez kung saan nilinaw nya na matapos ang masusing pagsusuri sa nakumpiskang bigas ng Purefeeds ay lumitaw na malinis at wala itong halo ng animal feeds.
- Latest