^

Bansa

Pagpaparehistro puwede na sa malls

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Simula Setyembre 6, puwede nang magparehistro sa ilang mga malls ang mga botante para sa 2016 elections.

Sinabi ni Commission on Elections (Comelec) chair Sixto Brillantes na ang registration, validation at biome­trics ay maaaring isagawa sa ilang Robinson’s Malls tulad ng Ro­binson’s Forum, Galleria, Place at Metro East mula Lunes hanggang Biyernes, alas-10 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.

Paliwanag ni Brillantes, kailangan nilang isagawa ang ideya dahil masyado umanong mababa ang nagpaparehistro sa kanilang  tanggapan.

Una nang sinabi ni Brillantes na hindi umano sila kuntento sa turnout ng voter’s registration nitong nakaraang tatlong buwan.

Tinatayang umaabot lamang sa 500,000 ang mga bagong botante na mababa sa inasahang  9.3 million registrants na target ng Comelec. 

BIYERNES

BRILLANTES

COMELEC

METRO EAST

PALIWANAG

SIMULA SETYEMBRE

SINABI

SIXTO BRILLANTES

TINATAYANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with