PNoy nag-appoint ng retired generals
MANILA, Philippines - Itinalaga ni Pangulong Aquino bilang undersecretary si retired AFP chief Gen. Emmanuel Bautista.
Nilagdaan ni Executive Sec. Paquito Ochoa Jr. ang appointment ni Bautista noong Agosto 11.
Magsisilbi si Bautista bilang executive director ng Cabinet cluster on security, justice and peace na may may ranggong undersecretary sa Office of the President.
Magugunita na nagretiro si Bautista nito lamang nakaraang buwan at pinalitan ito ni Lt. Gen. Gregorio Pio Catapang.
Bukod kay Bautista ay nagtalaga rin ang Pangulo ng mga retiradong heneral tulad nina Gen. Ricardo David, Gen. Eduardo Oban at Gen. Jessie Dellosa sa iba’t ibang posisyon matapos ang kanilang military service.
Umani naman ng pagpuna ang ginawang ito ni PNoy mula sa ilang retiradong heneral dahil wala raw itong pinagkaiba kay dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na nagtatalaga ng mga retired generals sa civilian post upang makakuha ng loyalty sa mga sundalong ito.
- Latest