Draft ng Bangsamoro isusumite kay PNoy
MANILA, Philippines - Isusumite ngayon kay Pangulong Aquino ang draft ng Bangsamoro Basic Law (BBL) na napagkasunduan ng government panel at Moro Islamic Liberation Front (MILF).
Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, bibigyan ni Pangulong Aquino ng prayoridad na atensyon ang BBL upang maihain sa Kongreso ang draft nito sa lalong madaling panahon, alinsunod sa roadmap at timetable para sa ganap na pagtatatag ng Bangsamoro Transitional Assembly, at ang paghahalal ng mga opisyal ng Bangsamoro Political Entity kasabay sa pambansang halalan sa 2016.
“Bagama’t may pagkaantala sa pagbubuo ng draft BBL, hindi natitinag ang determinasyon ni Pangulong Aquino hinggil sa pagkumpleto ng prosesong pangkapayapaan na maghahatid ng pangmatagalang estabilidad at kaunlaran sa Bangsamoro,” giit ni Coloma.
- Latest