^

Bansa

2nd term ni PNoy idaan sa balota

Butch Quejada, Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Para mapatunayan na talagang gusto ng tao na mabigyan pa ng ikalawang termino si Pangulong Aquino, iminungkahi ng isang kongresista na idaan sa balota sa pamamagitan ng referendum ang nasabing usapin.

Sinabi ni Iloilo Rep. Jerry Trenas na dapat manaig ang boses ng tao at malalaman lamang ito sa pamamagitan ng balota dahil maituturing na isang trahedya kung hindi mabibigyan ng pagkakataon ang Pangulo upang masiguro ang mandato nito, reporma at accomplishment sa ilalim ng kanyang panunungkulan.

Malalaman din sa pa­mamagitan ng balota kung tama ang sinasabi ng mga kritiko ng Pangulo na dapat itong bumaba sa pwesto dahil sa nawawala na ang suporta ng mga tao dito.

Paliwanag pa ni Trenas, ang isyu sa termino ng Pangulo ay maaaring ipanukala sa pag-amyen­da sa Konstitusyon sa pamamagitan ng referen­dum at bilang isang demokratikong bansa ay dapat umanong manaig ang desisyon ng mayorya.

ILOILO REP

JERRY TRENAS

KONSTITUSYON

MALALAMAN

PALIWANAG

PANGULO

PANGULONG AQUINO

SINABI

TRENAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with