^

Bansa

Iba pang pondo ng Hudikatura ibinisto

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nadiskubre ng Kamara na bukod sa Judiciary Development Fund (JDF) ay mayroon pang ibang pondo ang Hudikatura mula sa iba’t ibang koleksyon sa mga korte sa bansa.

Sa pagtatanong ni House Committee on Appropriations Vice-chairman at Ilocos Rep. Rodolfo Fariñas kay Supreme Court (SC) deputy administrator Raul Villanueva, bukod sa JDF ay mayroon pang mediation fund at special allowance for the Judiciary silang nakokolekta na tanging ang Chief Justice lamang ang mayroong kapangyarihang mag-disburse ng nasabing pondo.

Kinastigo rin ng kongresista ang mga miyembro ng Hudikatura dahil sa paggastos ng pondo na walang kaukulang appropriations at pagtatatag ng mga tanggapan na ta­nging ang Kongreso lamang ang may kapangyarihang gumawa nito.

Kinuwestiyon din ni Fariñas kung bakit kaila­ngan bumili ng mga sasakyan na nagkakahalaga ng P23 milyon na isa umanong pribilehiyo ng mga mahistrado ng Hudikatura dahil maaari nila itong bilihin sa sanda­ling magretiro na sila sa kanilang pwesto.

Paliwanag ni Villanueva kailangan ng palitan ang mga sasakyang ginagamit nila dahil sa 10 taon na ang tanda ng mga ito.

Dahil dito kaya hiniling ni Fariñas na magbigay ng kopya sa komite ng statement of balances ng pondo ng hudikatura at JDF bago aprubahan ang hinihingi nilang P32.6 bilyon budget sa susunod na taon.

 

APPROPRIATIONS VICE

CHIEF JUSTICE

FARI

HOUSE COMMITTEE

HUDIKATURA

ILOCOS REP

JUDICIARY DEVELOPMENT FUND

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with