Wala nang 'berdugo' sa militar – PNoy
MANILA, Philippines – Wala nang dapat ikatakot ang publiko sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas kasunod nang pagkakaaresto kay retired major general Jovito Palparan, ayon sa Pangulo ngayong Huwebes.
Sinabi ni Pangulong Benigno Aquno III na kasabay ng modernisasyon ng militar ay nagbago na rin ang tingin ng mga Pilipino sa kanila.
"Nahuli na ang isa sa mga most wanted sa Pilipinas, at ngayon ay dadaan na sa tama at makatarungang proseso, para tumugon sa mga alegasyon ng pang-aabuso laban sa kanya. Masasabi na rin po natin ngayon: Kung dati, kinakatakutan ang inyong hanay bilang mga berdugo, ngayon, ginagalang at pinagkakatiwalaan kayo bilang mga tunay na kabalikat ng sambayanang Pilipino," wika ni Aquino sa ceremonial distribution ng assault rifles sa AFP headquarters sa Camp Aguinaldo.
Kaugnay na balita: Palparan natatakot na ipatumba sa kulungan
Pinuri rin ng Pangulo ang paresponde ng militar sa oras ng pangangailangan ng publiko, partikular sa mga oras ng kalamidad.
Nadakip nitong kamakalawa ang binansagang “berdugo” na si Palparan matapos magtago ng halos tatlong taon.
Si Palparan ang itinuturong nasa likod ng pagpatay at pagkawala ng mga aktibista, kabilang si Jonas Burgos.
Kaugnay na balita: Palparan sa militar: 'Galing n'yo, naisahan n'yo ko'
Hinawakan ni Palparan ang 7th Infantry Division sa Central Luzon, kung saan kabilang ang 24th Infrantry Battalion noong administrasyong Arroyo.
- Latest