^

Bansa

Foreign visitors, dagsa muli sa Albay pagkatapos ni Glenda

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dagsa na naman muli sa Albay ang maraming foreign­ tourists, wala pang isang buwan pagkatapos salantain ito ni Typhoon Glenda.

Masayang sinalubong sa bagong Albay International Gateway (AIG) dito nitong nakaraang Agosto 8 ang 154 Chinese tourists, sakay ng isang Cebu Pacific Airlines direct flight mula sa Xiamen, China. Ang grupo ay una sa ‘18-cycle, three-month running contract flights’ ng Cebu Pacific mula Agosto 8 hanggang Oktubre 10 ngayong taon.

Ayon kay Albay Gov. Joey Salceda, ang mga kaga­napang ito ay bunga ng ‘resilient tourism program’ ng lalawigan, na mabilis na kumilos upang makabangon agad, lalo na sa turismo, mula sa pananalasa ni Glenda. Binugbog ni Glenda ang Albay ng mahigit pitong oras noong Hulyo 16.

Itinatag ang AIG sa ilalim ng Executive Order 29, kung saan itinalaga ang Legazpi City bilang isang ‘inter­national gateway’ para sa mga direct flights mula sa mga foreign tourism markets. Ito ay itinuturing na isang ‘breakthrough’ sa turismo para sa isang LGU at naki­pag-ugnayan ang Albay sa mga world capitals. China, Korea at Taiwan ang mga unang target.

AGOSTO

ALBAY

ALBAY GOV

ALBAY INTERNATIONAL GATEWAY

CEBU PACIFIC

CEBU PACIFIC AIRLINES

EXECUTIVE ORDER

GLENDA

JOEY SALCEDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with