^

Bansa

Riding-in-tandem, ipagbabawal sa QC

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Lalong pinalawig ang kampanya ng pamahalaang lungsod Quezon laban sa mga riding in tandem na kriminal kung saan isa na namang panukalang ordinansa ang iminungkahi upang tuluyang ipagbawal ang magkaangkas sa motorsiklo sa lungsod.

Ito’y matapos ipanukala ni Quezon City 2nd. District Councilor Ramon “Toto” Medalla ang tuluyang pagbabawal sa magkaangkas o tandem sa motorsiklo upang umano’y masawata ang lumalalang kriminalidad sa lungsod na ang may kagagawan ay ang riding-in-tandem.

Sinabi ni Medalla na  mahirap masolusyunan ang problema ng riding-in-tandem na ginagamit sa kriminalidad dahil sa mabilis itong nakakatakas sa sandaling isagawa ang krimen.

Idinagdag pa nito na maaaring mabawasan kundi man tuluyang ma­solusyunan ang ma­tagal nang ganitong problema ng kriminalidad.

Sakaling maaprubahan, malamang na i-veto na lamang ang naunang ordinansa na pagsusuot ng vest na may plaka sa mga tandem na mariing tinutulan ng mga motor­cycle groups at ang tuluyang ipatutupad ay ang pagbabawal na sa tandem sa lungsod.

DISTRICT COUNCILOR RAMON

IDINAGDAG

LALONG

MEDALLA

QUEZON

QUEZON CITY

SAKALING

SINABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with