^

Bansa

Chicken shortage pinangangambahan

Angie dela Cruz/Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nangangamba ang mga chicken growers sa bansa na kulangin ang suplay ng manok sa Kapaskuhan.

Ayon kay Engr. Rosendo So ng Samahang Industriya ng Agrikultura, nagpatawag ng emergency meeting si Agriculture Sec. Proceso Alcala upang lutasin ang problema sa supply ng manok particular sa mga fast food chains at pamilihan.

Ayon sa ulat, nakakaranas ng congestion sa mga pan­talan dahil hindi naibaba sa mga pier ang supplay ng karne na nagdudulot ng kakulangan sa suplay nito sa merkado kaya tumataas din ang presyo at posibleng umabot ang problemang ito sa Kapaskuhan.

Samantala, paiimbestigahan naman sa Kamara kung saan nagmumula ang supply ng poultry products ng mga fast food chain sa bansa.

Sa House Resolution 1353 na inihain ni Eastern Samar Rep. Ben Evardone at Catanduanes Rep. Cesar Sarmiento, hiniling nito na alamin kung nagmumula sa Shanghai Husi Food Company Limited and meat at poultry products na isinisilbi ng mga food chains.

Ito ay dahil sa ang Shanghai Husi Food Company na kilalang supplier ng malalaking fastfood chain ay sangkot umano sa unhealthy practices na isang eskandalo ngayon sa China.

Nadiskubre na ang mga empleyado ng nasabing kumpanya ay naghahalo umano ng mga expired na produkto sa supplies na ipinapada sa kanilang mga kliyente at dinodoktor pa ang expiration date ng kanilang produkto.

Matapos na pumutok ang eskandalo sa China ay ilang malalaking fastfood chain ang pinutol na ang kontrata sa naturang kumpanya.

 

AGRICULTURE SEC

AYON

BEN EVARDONE

CATANDUANES REP

CESAR SARMIENTO

EASTERN SAMAR REP

KAPASKUHAN

PROCESO ALCALA

ROSENDO SO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with