PNoy bagsak uli ang rating
MANILA, Philippines - Bumagsak muli ang satisfaction rating ni Pangulong Benigno Aquino III sa pinakahuling survey ng Social Weather Station (SWS).
Lumagapak sa 29 percent na lamang ang public satisfaction rating ni Pangulong Aquino mula sa June 27-30 survey ng SWS mula sa dating 45 percent satisfaction rating noong March survey.
Ayon naman kay PCOO Sec. Herminio Coloma Jr., mas mahalagang isulong ni Pangulong Aquino ang kanyang mga programa hanggang sa pagtatapos ng kanyang termino sa 2016.
Wika pa ni Coloma, mas mahalaga ang magiging pagtingin ng taumbayan sa pagtatapos ng termino ni PNoy sa 2016 kaysa sa resulta ng survey.
“What matters most is the final scorecard when the administration’s term is completed.We are determined to pursue and implement fully the priority programs of the PDP [Philippine Development Program] and the reform measures in line with the President’s social contract with the Filipino people,” paliwanag pa ni Coloma.
- Latest