Bumagsak na Air Force helicopter maaayos pa
MANILA, Philippines — Maaari pang maayos ang bumagsak na W-3A “Sokol” helicopter sa Marawi City nitong nakaraang linggo, ayon sa isang opisyal ng Philippine Air Force (PAF) ngayong Lunes.
Sinabi ni PAF spokesman Lt. Col.l Enrico Canaya na bagama't maaayos pa ito, hindi pa nila tiyak kung gaano ito katagal aabutin at kung magkano ang gagastusin.
"Initially, based on the damage to the airframe, it will be costly and will take time to recover. Costs and how long to repair are not yet determined," wika ni Canaya.
Bumagsak ang naturang helicopter nitong Agosto 7 na kabilang sa mga convoy ni Secretary Manuel "Mar" Roxas II at Defense Secretary Voltaire Gazmin.
Isa ang bumagsak na Sokol helicopters sa walong binili ng Air Force noong 2012 sa halagang P2.8 bilyon sa Polish firm na PZL-Swidnik at British-Italian firm Augusta Westland.
Dalawa ang sugatan sa insidente, kabilang ang isang sibilyan.
- Latest