PNoy 'di matakaw sa kapangyarihan – Binay
MANILA, Philippines — Hindi ikinatuwa ni Bise-Presidente Jejomar Binay ang naging pahayag ni Interior Secretary Manuel "Mar" Roxas II ukol sa pagpapalawig ng termino ni Pangulong Benigno Aquino III.
Sinabi ni Binay na inilagay ni Roxas si Aquino sa puwestong puputaktihin ito ng kritisismo na hindi dapat nangyayari.
"It was a selfish proposal to begin with, motivated more by personal rather than national interest," pahayag ni Binay na tinalo si Roxas sa 2010 vice presidential race.
Kaugnay na balita: LP 'di dadalhin si Binay sa 2016, Mar pwede
Hiniling ni Binay na respetuhin ng publiko ang desisyon ni Aquino.
"President Aquino, through Secretary [Herminio] Coloma, has made known his sentiments on term extension. We must respect his decision," Binay said.
"Those who made the proposal don't know the President. He is a decent person who will not cling to power. He is a student of history, and he won't tarnish his mother's good name just to please some personalities.”
Usap-usapan ngayon ang planong pagkupkop ng Liberal Party kay Binay na miyembro ng United Nationalist Alliance, upang maging manok sa 2016.
Pinabulaanan na ito ni Senate President Franklin Drilon, isa sa mga opisyal sa LP, at sinabing balak nilang suportahan si Roxas kung tatakbo ito.
Sa ngayon ay wala pa namang pahayag si Roxas sa kanyang mga plano para sa susunod na halalan.
- Latest