^

Bansa

China 'di pumalag sa pagkakakulong ng 12 mangingisda

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines —Walang reklamo ang Tsina sa desisyon ng korte na ikulong ang 12 Chinese fishermen matapos sumadsad ang kanilang barko sa Tubbataha Reef nitong nakaraang taon.

Hiniling lang ni China Foreign Ministry spokesperson Hua Chunying sa Pilipinas na tiyakin ang karapatan ng mga mangingisda ng FV Min Long Yu.

"The Foreign Ministry and Chinese diplomatic missions in the Philippines will continue to provide consular assistance within their remit to the Chinese fishermen and request the Philippine side to guarantee their legitimate rights and interests," pahayag ni Hua kahapon.

Umaasa rin ang tagapagsalita na susunurin ng iba pang mangingisda ang mga batas.

"Meanwhile, we hope that Chinese fishermen working at the sea can abide by laws and carry out normal fishery production."

Napagdesisyunan ng Palawan Regional Trial Court Branch 51 na ikulong ng 12 taon ang kapitan ng barko na si Liu Chiangjie, habang hanggang 10 taon namang pagkakakulong para sa kanyang 11 tauhan.

Nakilala ang iba pang mangingisda na sina Che Li Yong, Fan Len Tie, Xuan Ven Fe, Wang Yu Zhen, Lizhong Sheng, Lizhiming, Liu Cheng Tie, Tung Zhue We, Tang Hai Liny, Wen Hong Min at Qi Vixn.

Nahaharap sa kasong paglabag sa  Section 27 ng Republic Act 10067, kung saan idinedeklaranf protected area ang Tubbataha Reef.

Hindi pa naman naglalabas ng desisyon ang korte sa hiwalay na kasong panunuhol sa mga opisyal ng Tubbataha Management Office para sa kanilang paglaya.

CHE LI YONG

CHINA FOREIGN MINISTRY

FAN LEN TIE

FOREIGN MINISTRY AND CHINESE

HUA CHUNYING

LIU CHENG TIE

LIU CHIANGJIE

LIZHONG SHENG

MIN LONG YU

TUBBATAHA REEF

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with