^

Bansa

OFWs hinihimok magsimula ng negosyo

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dahil sa kanilang malaking ambag sa paglago ng ekonomiya ng Pilipinas, tulad ng kanilang remittances na kumakatawan ng 13.5% ng GDP ng  bansa, hinihimok ang Overseas Filipino Workers (OFWs) at kanilang pamilya na isalang ang kanilang entrepreneurial skills sa pagsali sa Tianggehan/Baratillo ng Greenhills Shopping Center, ang 21st Annual National Antique Show (Setyembre 12-Oktubre 6, 2014) at 21st Philippine Toys, Gifts, Housewares & Christmas Décor Fair (Oktubre 10-Nobyembre 3, 2014).

Isasagawa ng Prime Asia Trade Planner and Convention Organizer (PATEPCO) na may higit na apat na dekada nang nagpapatakbo ng baratillos, ang fairs ay isang bagong dimensyon sa OFWs na bilang mga baguhan ay maaaring maging matagumpay na manga­ngalakal, tulad ng iba pang beteranong stallholders na ang business career ay pinayabong sa kanilang partisipasyon sa Greenhills event sa higit na dalawang dekada.

Sa pagkilala ng kanilang malaking bahagi sa paglago ng ekonomiya ng bansa, hinamon ni PATEPCO President/CEO ang OFWs na magsimula sa maliit na negosyo ngunit mangarap nang malaki at samantalahin ang mga oportunidad na maging matagumpay na negosyante sa pamamagitan ng pamumuhunan ng bahagi ng kanilang income sa abroad sa pagkakaroon ng stalls sa Greenhills fairs. Binanggit ni Babiera ang report ng Bangko Sentral ng Pilipinas na mula Enero hanggang Hulyo ngayong taon, umabot sa $1,927B ang cash remittances ng OFWs, ang pinaka­malaking naitala simula nung Disyembre nung isang taon.  Ito’y nangangahulugang bukod sa mga niluluwas na goods at serbisyo, ang remittance ay malaking factor, kung di man pinakamalaking  pinanggagalingan ng foreign currency ng bansa. 

Ang OFWs o kanilang designated relatives na interesadong magtayo ng stalls ay maaaring tumawag sa PATEPCO staffers, Arlene Emperado, 0905-3860004, Isidro Emperado, 0927-5317216, Jonjie Morquia­nos, 0918-6121060, Tessa Lara Cruz, 0927-6878761 at Tita Morquianos, 0977-1697560.

vuukle comment

ANNUAL NATIONAL ANTIQUE SHOW

ARLENE EMPERADO

BANGKO SENTRAL

CHRISTMAS D

GREENHILLS

GREENHILLS SHOPPING CENTER

ISIDRO EMPERADO

JONJIE MORQUIA

KANILANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with