^

Bansa

Jose nananatili ang lakas

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nananatili ang lakas ng bagyong Jose habang ito ay  papalabas ng Philippine area of responsi­bility (PAR). Alas-11:00 ng umaga kahapon, naitala ng PAGASA ang sentro ng bagyong Jose  sa layong 830 kilometro sa silangan-hilagang silangan ng  Itbayat, Batanes  taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa  150 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso ng hangin na umaabot sa 185 kilo­metro bawat oras. Si Jose ay patuloy ang pagkilos pahilagang direksiyon sa bilis na 15 kilometro bawat oras. Ngayong Huwebes, inaasahang si Jose ay nasa layong 960 kilometro hilagang silangan ng Basco, Batanes o nasa layong 280 kilometro silangan ng  Okinawa, Japan. Bagaman palabas na ng ating bansa si Jose, patuloy itong magdudulot ng mga pag uulan sa Luzon laluna sa Metro Manila dahil pinaiigting nito ang hanging habagat.

BAGAMAN

BASCO

BATANES

ITBAYAT

LUZON

METRO MANILA

NANANATILI

NGAYONG HUWEBES

SI JOSE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with