^

Bansa

Yolanda survivor

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Binigyang-pagkilala ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang naging topnotcher sa Certified Public Accountant  (CPA) board exams na survivor ng Super typhoon Yolanda. Sa resolution na ipinasa ng Independent Minority bloc sa pangunguna ni Leyte Rep. Ferdinand Martin Romouldez, sinabi nito na sa kabila ng dinanas nitong hirap dahil sa bagyong Yolanda ay nagsikap pa ring tapusin ni  Rommel Rhino Edusma, 25 anyos, ang kanyang pag-aaral ng kursong accounting sa Asin Development College Foundation (ADCF).

Si Rhino ay anim sa 10 magkakapatid kung saan ang ama nito ay isang retiradong sundalo at isang simpleng may bahay ang kanyanng ina at may sakit sa puso subalit nagpa­tuloy pa rin ito sa kanyang pagre-review sa Maynila upang makapasa sa accounting board exams.

Bukod sa pumasa, nanguna pa siya sa CPA board exams noong nakaraang Hulyo na may gradong 94.57 percent.

ASIN DEVELOPMENT COLLEGE FOUNDATION

BINIGYANG

CERTIFIED PUBLIC ACCOUNTANT

FERDINAND MARTIN ROMOULDEZ

INDEPENDENT MINORITY

LEYTE REP

MABABANG KAPULUNGAN

ROMMEL RHINO EDUSMA

SI RHINO

YOLANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with