Barko nadiskaril, 178 pasahero nasagip
MANILA, Philippines - Umaabot sa 178 pasahero ang nasagip ng rescue team makaraang madiskaril ang sinasakyan ng mga itong barko nang hampasin ng malalakas na alon habang naglalayag patungong Cebu City, kahapon ng madaling araw.
Sa ulat ng Office of Civil Defense (OCD) Region 7, naganap ang insidente sa pagitan ng karagatan ng Siquijor at Balicasag Island bandang alas-2 ng hapon.
Ang malalakas na alon ay dulot naman ng masamang panahong dala ng bagyong Jose sa mga apektadong lugar sa bansa.
Agad namang sumaklolo ang search and rescue team ng Philippine Coast Guard at Philippine Navy at nasagip ang nasabing bilang ng mga pasahero ng M/V Super Shuttle Roro 3.
Ang nasabing barko ay inio-operate ng Super Shuttle Ferry Company na nasiraan ng makina dahilan sa pagbalya rito ng malalaking alon hanggang sa tumirik sa gitna ng karagatan.
Kabilang sa mga nasagip ay 118 pasahero at 60 tripulante ng barko na ligtas na naihatid sa baybaying dagat.
- Latest