^

Bansa

Karne mula South China ban sa Pilipinas

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pansamantalang ban sa Pilipinas ang pag-import ng hog products mula sa Jiangsu China matapos makumpirmang may outbreak ng foot and mouth disease (FMD) sa Zhoutang village sa Yingtan.

Sa ilalim ng ng Memorandum Order No. 13, Series of 2014  na nilagdaan ni Agriculture Secretary Proceso Alcala, inutos nito ang agarang suspension ng pag pro­seso, pag-evaluate ng mga aplikasyon at issuance ng import permits ng  hog products.

Inatasan din ni Alcala ang lahat ng DA veterinary quarantine officers/ins­pectors sa lahat ng mga pangunahing daungan na kumpiskahin at pigilan ang lahat ng FMD-prone animals mula sa Jiangsu at iba pang kahalintulad na produkto papasok ng ating bansa para mai­ngatan ang kalusugan ng taumbayan.

Sa ulat ni Dr. Zhang Zhonqui ng  China Animal Disease Control Center na ang FMD virus ay naka-infect sa isang  piggery farm sa Lianghong Company, Sihong, Suquian, Jiangsu, China.Ang  FMDV Serotype A outbreak ay kinumpirma ng Lanzhou Veterinary Research Ins­titute, Office International des Epizooties (OIE) reference laboratory sa pamamagitan ng virus isolation.

Iniulat naman ng BAI-Quarantine Service na walang accredited Chinese hog product importers sa bansa kayat wala silang naipalalabas na import permits ang tanggapan.

Kaugnay nito, sinabi ni BAI Assistant Director Dr. Simeon Amurao ang ban ay dagdag sa kasaluku­yang ban sa importation ng fresh frozen at processed meat at live animals mula sa China na pinaghihinalaang may FMD dahil sa pagkakaroon ng naturang virus  sa ibang bahagi ng China.

Sa ngayon ang Pilipinas ay nananatiling  FMD-free country sa Southeast Asia.

 

vuukle comment

AGRICULTURE SECRETARY PROCESO ALCALA

CHINA ANIMAL DISEASE CONTROL CENTER

DR. SIMEON AMURAO

DR. ZHANG ZHONQUI

JIANGSU

JIANGSU CHINA

LANZHOU VETERINARY RESEARCH INS

LIANGHONG COMPANY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with