^

Bansa

Suhulan sa ‘Maguindanao massacre case’ iimbestigahan ng DOJ

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Handa ang Department of Justice (DOJ) Secretary Leila De Lima  na imbestigahan  ang umano’y usapin ng panunuhol sa mga public prosecutors upang pahinain ang Maguindanao massacre case laban sa 28 mga akusado kabilang ang pamilya Ampatuan.

Ito ang tiniyak ni  De Lima matapos ang pagbubulgar ni private prosecutor at abogada ni Gov. Mangudadatu at iba pang biktima na si Atty. Nena Santos, na umano’y tinangka siyang suhulan ng P300 million noong 2012 upang ilaglag ang kaso.

Subalit ayon kay De Lima, hindi ibig sabihin na porke hindi tinanggap ni Atty. Santos ang naturang halaga ng suhol ay naibigay na ito sa mga prosecutors ng gobyerno.

Ang mga alegasyon ni Santos ay sinuportahan naman ni Lakmudin Saliao, dating aid ng mga Ampatuan na ngayon ay witness na ng prosekusyon.

Ayon kay Saliao, naatasan siya noon ng kanyang dating amo na makipag-usap sa isang abogado upang ibigay ang milyon-milyong halaga ng pera kay DOJ Usec. Francisco Baraan III at iba pang mga prosecutors.

“Nasa Ampatuan pa ako noon. Ako mismo tumawag kay Atty. (Sigfred) Fortun para gumawa ng paraan kung paano namin mabayaran ang panel. Para po ‘yun sa kalayaan ng mga Ampatuan at hindi na po makikialam ang DoJ sa pagkukulong ng mga Ampatuan,” wika ni Saliao.

Sinasabing hindi bababa sa P20 milyon ang inisyal na tinanggap ni Baraan habang umaabot naman sa  P50 milyon ang umano’y deal sa mga public prosecutors ng Maguindanao.

Gayunman ay hindi raw muna magkokomento dito si De Lima pero naghamon na kung totoong mayroong saksi sa suhulan ay kailangang lumantad ito upang makatulong sa pagsisiwalat ng katotohanan.

Una ng pinasinungalingan ni Usec. Baraan ang mga paratang at nagbabala ng disbarment case laban kay Santos kung hindi umano mapapatunayan ang mga mapanirang akusasyon.

 

AMPATUAN

BARAAN

DE LIMA

DEPARTMENT OF JUSTICE

FRANCISCO BARAAN

LAKMUDIN SALIAO

MAGUINDANAO

NASA AMPATUAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with