‘Yolanda’ survivor topnotcher sa CPA board exam
MANILA, Philippines - Sa kabila ng sinapit na trahedya, nagawa ng isang “Yolanda” survivor na manguna sa katatapos lang na Certified Public Acccountant (CPA) Licensure Examination nitong Hulyo 2014.
Si Rommel Rhino Catudio Edusma ay nakakuha ng markang 94.57% para manguna sa kabuuang 1,107 nakapasa sa pagsusulit.
Nagtapos si Edusma ng kursong Accountancy sa Asian Development Foundation College sa Tacloban City.
Sa tala ng Professional Regulation Commission (RPC), mahigit 5,000 ang kumuha ng pagsusulit.
Pasok din sa top 10 sina: 2. Joanna Marie Lim Barrozo, San Beda College of Alabang (St. Benedict College) - 93.43; 3. Ray Hamodi Balagbis Ngalot, University of San Carlos - 92.43; 4. Orvile Perdon Rabino, Adventist University of the Philippines - 92.00; 5. Joscel Barrio de los Cielos, Xavier University - 91.57; 6. Jamaica Perez Englis, University of San Carlos - 91.43; 7. Ken Lester Tantiado Guillen, Polytechnic University of the Philippines (Sta. Mesa) - 91.29; Dann Karlo Alfaro Manzano, San Beda College - 91.29; 8. Eros de la Rosa Herrera, San Beda College of Alabang Inc. - 91.14; Thomas Zachary Pineda Sarigumba, University of San Carlos - 91.14; 9. Jo-Ann Herrera Mercado, PUP (Sto. Tomas, Batangas) - 90.86; 10. Lyndon Giganto Asis, Southwestern University - 90.43; Adrian Caguete Enriquez, San Beda College - 90.43.
Makikita naman sa website ng PRC ang iba pang pumasa.
- Latest