^

Bansa

95 OFWs sa Libya uuwi na sa Pinas

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasa 95 overseas Filipino workers (OFWs) sa Libya ang uuwi na rin sa Pilipinas dahil sa banta sa seguridad dulot ng kaguluhang pulitikal doon.

Personal na nakipag­pulong si Department of Foreign Affairs (DFA) Sec. Albert del Rosario sa mga Pinoy na nagsabing handa na silang umuwi.

Ang naturang batch ng 95 OFWs ay nakatawid na sa Tunisian border ng Ras Ajdir sakay ng bus noong Hulyo 31.

Pansamantala silang nananatili sa isla ng Djerba, 120 kilometro ang layo mula sa border, habang hinihintay ang flight pa-Maynila ngayong Linggo.

Tiniyak ni del Rosario ang patuloy na pag-alalay sa kanila ng pamahalaan.

Hiling naman ng kalihim, hikayatin na rin ng OFWs ang ibang ka­babayan na pumayag sa mandatory repatriation para hindi na madamay sa kaguluhan sa Libya.

Tinatayang 13,000 ang mga Pinoy doon. Hanggang nitong nakaraang linggo, pumalo pa lang sa 800 ang nakakauwi sa Pilipinas habang may 200 ang pinoproseso ang pag-uwi sa Philippine Embassy sa Tripoli.

Matatandaang itinaas na ng DFA ang crisis alert level 4 sa Libya.

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

DJERBA

HANGGANG

HULYO

LINGGO

PHILIPPINE EMBASSY

PILIPINAS

PINOY

RAS AJDIR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with