Typhoon Halong lumakas pa
MANILA, Philippines - Lalo pang lumakas ang bagyong may international name na “Halong.”
Ngayong Linggo ng umaga inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo.
Mula sa 120 kilometers per hour (kph) na taglay na hangin dakong alas-11:00 ng umaga, lumakas pa ang bagyo na may 160 kph sustained winds at pagbugsong 195 kph.
Patuloy nitong tinatahak ang direksyong kanluran hilagang-kanluran sa bilis na 13 kph.
Sa abiso ng PAGASA, asahan na ang paminsang pag-ulan sa Metro Manila, Central Luzon, Ilocos Region, CALABARZON at MIMAROPA habang magiging maulap na may pulo-pulong pag-ulan naman sa nalalabing bahagi ng bansa.
Sa oras na pumasok sa PAR, tatawaging “Jose” si typhoon “Halong” na unang bagyo sa bansa ngayong Agosto at ika-10 ngayong taon.
Sa panayam naman ng DZMM Radyo Patrol kay PAGASA weather forecaster Samuel Duran, lalong palalakasin ng bagyo ang Southwest Monsoon o Habagat na siyang magpapaulan sa malaking bahagi ng Western Visayas at Western Luzon kabilang ang Ilocos Region, Zambales, Tarlac, Pampanga, Bulacan, MIMAROPA at Metro Manila.
Kung hindi naman magbabago ng bilis, posibleng isailalim sa babala ng bagyo ang Batanes at Cagayan area sa araw ng Martes o Miyerkules.
- Latest