Pagtatayo ng common station ng LRT-MRT pinigil ng SC
MANILA, Philippines - Pinigil ng Korte Suprema ang plano ng Department of Transportation and Communications at Light Rail Transit Authority (LRTA) na magtayo ng common station ng LRT at Metro Rail Transit (MRT) sa tapat ng Trinoma mall sa Quezon City.
Kahapon ay naglabas ng temporary restraining order (TRO) ang SC laban sa DOTC at LRTA matapos maghain ng petisyon ang SM Prime Holdings, Inc. na nagsabing sa harap ng SM City North EDSA unang napagkasunduang ilalagay ang common rail station.
Tinukoy ng SM ang memorandum of agreement sa DOTC noong Setyembre 28, 2009.
Binigyan naman ng SC First Division ng 10 araw ang DOTC at LRTA para magsumite ng komento.
- Latest