^

Bansa

Bagong bagyo nagbabantang pumasok sa PAR sa Linggo

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang bagong bagyo ang nagbabantang pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa darating na Linggo.

Ayon kay Gener Quitlong, weather forecaster ng Pagasa, ang bagyo ay nasa bahagi pa ng Pacific Ocean at inaasahang lalakas pa oras na pumasok sa ating bansa. Kapag pumasok na sa PAR ay tatawagin itong bagyong Jose.

Taglay nito ang lakas ng hangin na umaabot sa 85 kilometro kada oras at may pagbugso na 100 kilometro bawat oras.

Bagamat wala pa sa bansa, pinaiigting nito ang hanging habagat kayat nakakaranas ng mga pag-uulan laluna sa Luzon kasama na ang Metro Manila, Pampanga at Nueva Ecija at Western Visayas.

Patuloy namang pinapaalalahanan ng Pagasa ang publiko na maghanda at mag-ingat sa inaasahang lakas na dala ng papasok na bagyo.

AYON

BAGAMAT

GENER QUITLONG

ISANG

METRO MANILA

NUEVA ECIJA

PACIFIC OCEAN

PAGASA

PHILIPPINE AREA OF RESPONSIBILITY

WESTERN VISAYAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with