Peace and order report ni Noy sa SONA mali raw
MANILA, Philippines — Pinuna ng isang mambabatas ang ulat ni Pangulong Benigno Aquino III tungkol sa seguridad ng bansa laban sa mga krimen.
Sinabi ni Anti-Crime and Terrorism Community Involvement at Support party-list Rep. Samuel Pagdilao na kaso lamang ng murder ang tinalakay ni Aquino nitong Lunes sa kanyang panlimang State of the Nation Address.
Dagdag niya na masasabi lamang na napapanatili ng kapulisan ang kapayapaan sa Metro Manila apag nasugpo rin ang iba pang krimen tulad ng robbery, theft, homicide at drugs.
Ipinagmalaki ng Pangulo na mula nang ipatupad ang “Operation Lambat” ng Department of Interior and Local Government ay bumaba sa 22 kaso ng murder na lamang kada linggo ang naitatala ng mga awtoridad, mas mababa sa dating 31 kaso kada linggo sa Metro Manila.
"The overall crime index as reported had increased, and the people's perception about the crime situation in the country is neither positive nor optimistic," pahayag ni Pagdilao ngayong Biyernes.
"And obviously, this has been the same translation or effect on the image of the police," dagdag niya.
Naniniwala ang mambabatas na talamak pa rin ang krimen sa bansa, kaya naman iginiit niya ang kanyang panukalang batas.
"That is why my priority is to pass the PNP Modernization Bill to enable the [Philippine National Police] to have the means, ways, heart and the organization to fight and beat crimes," sabi ni Pagdilao.
- Latest