^

Bansa

Higanteng buwaya nahuli sa Palawan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagulantang ang mga residente makaraang mahuli ng mga residente dito ang 16 talampakang dambuhalang buwaya sa isang ilog sa Bgy. Rio Tuba, Bataraza, Palawan nitong Miyerkules ng madaling araw.

 Ito’y isang linggo matapos na mahuli ang 11 footer na lalaking buwaya sa Brgy. Berong, lalawigan ng Quezon.

Sa ulat na nakara­ting kahapon sa Camp Crame, nabatid na nagtulung-tulong ang mga residente na gumamit ng mga lubid at kable upang hulihin ang higanteng buwaya dakong ala-1 ng madaling araw kahapon.?

Nababahala ang mga residente na makapambiktima ang nasabing buwaya bunga na rin ng mga insidente ng mga taong sinakmal ng mata­talim na pangil at kinain ng buwaya sa kanilang lalawigan.

Bago nahuli ang dambuhalang buwaya ay nakarinig ang mga residente ng malalakas na ungol malapit sa kanilang mga tahanan at maging sa kulungan ng kanilang mga alagang hayop.

Mayo ng taong ito ay sinagpang at kinain ng buwaya ang mangingisdang si Roel Janai sa nasabing bayan.

Nagtungo naman sa lugar ang isang team ng mga kinatawan ng Palawan Wildlife Rescue and Conservation Center upang suriin ang nahuling giant buwaya ng mga residente dito.

BATARAZA

BERONG

BGY

BUWAYA

CAMP CRAME

PALAWAN WILDLIFE RESCUE AND CONSERVATION CENTER

RIO TUBA

ROEL JANAI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with