^

Bansa

Licensure exams binago ang petsa

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Binago ng Professional Regulations Commission (PRC) ang licensure examinations para sa mga guro, physicians at sanitary engineers sa susunod na buwan, bunsod na rin ng katatapos na centennial celebration ng Iglesia Ni Cristo.

Ayon sa PRC, ang Board Licensure Examinations for Professional Teachers (BLEPT) ay idaraos sa Agosto 17 at ang deadline nang paghahain ng aplikasyon para dito ay nagtapos na noong Hunyo 14.

Ang Board of Licensure Examinations for Physicians (BLEP) na orihinal na naka-schedule sa Agosto 16, 17, 23 at 24, ay inilipat naman sa Agosto 23, 24, 30 at 31.

Ang Board of Licensure Examinations for Sanitary Engineers naman ay orihinal na naka-schedule sa Agosto 12, 13, at 14 na inilipat sa Agosto 26, 27, at 28 at ang huling araw nang pagsusumite ng aplikasyon ay itinakda ng PRC sa Agosto 6.

AGOSTO

ANG BOARD OF LICENSURE EXAMINATIONS

AYON

BINAGO

BOARD LICENSURE EXAMINATIONS

HUNYO

IGLESIA NI CRISTO

PROFESSIONAL REGULATIONS COMMISSION

PROFESSIONAL TEACHERS

SANITARY ENGINEERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with