Bagyong ‘Inday’ namataan sa Cagayan
MANILA, Philippines – Ganap nang naging bagyo ang low pressure area sa Aparri, Cagayan, ayon sa state weather bureau ngayong Martes.
Namataan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang bagyo sa 870 kilometro silangan ng Aparri kaninang alas-10 ng umaga.
Taglay ni Inday ang lakas na 55 kilometers per hour (kph), habang gumagalaw pa-hilaga-kanluran sa bilis na 15 kph.
Wala namang direktang epekto ang bagyo at hindi rin ito inaaasahang tatama sa kalupaan, ngunit magdadala ito ng pag-ulan sa ilang bahagi ng Luzon.
Tinatayang nasa 690 km silangan hilaga-silangan ng Aparri ang bagyo bukas.
Si Inday ang pang-siyam na bagyo na pumasok sa Philippine Area of Responsibility ngayong taon.
- Latest