Batikos kay PNoy, binalewala ng Palasyo
MANILA, Philippines - Binalewala na lamang ng Palasyo ng Malakanyang ang mga walang katapusang batikos at kritiko laban kay Pangulong Benigno Aquino III.
Sinabi ni PCOO Sec. Herminio Coloma Jr., mauubos ang kanilang oras kung bawat banat sa Pangulo ay kanilang sasagutin.
Ayon kay Sec. Coloma, ang ibang kritiko ay sumasakay lamang kung saan may mainit na isyu laban sa gobyerno.
Binigyang-diin ni Coloma na hindi magpapaapekto ang Pangulong Aquino at mga opisyal nito sa mga kritiko bagkus ay lalong tututok sa mga programang dapat tapusin para sa benepisyo ng mga ordinaryong Pilipino sa ilalim ng Philippine Development Plan (PDP).
Ang Pangulo ay binigyan ng bagsak na grado ng kanyang mga kritiko dahil sa kawalan umano ng kakayahang makapagpakita ng kongkretong pagbabago sa buhay ng mga Pilipino.
- Latest