^

Bansa

BIR ihihirit uli ang SALN ng SC justices

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ihihirit ulit ni Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Kim Henares sa Korte Suprema na makakuha ng kopya ng Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN) ng Supreme Court Justices.

Ito ay sinabi ni Henares nang isnabin siya at hindi pagbigyan ng Supreme Court sa kagustuhang makakuha ng kopya ng SALN ng mga mahistrado para sa taong 2003 hanggang 2012.

Paliwanag ng Korte, hindi na kailangan pang bigyan ng kopya ang BIR ng SALN ng mga justices dahil matagal na umano nilang naisapubliko ito .

Binigyang diin naman ni Henares na Disyembre 2013 pa niya naipadala ang sulat sa SC hinggil dito at wala pa noong gulo sa pagitan ng Malakanyang at hudikatura sa isyu ng Disbursement Acceleration Program (DAP).

Nilinaw ni Henares na hiningi ng BIR ang SALN ng mga justices makaraan ang impeachment kay dating Chief Justice Renato Corona kung saan nakitang may mali sa pagbubuwis sa hudikatura bukod pa sa pagputok ng isyu sa isang Ma’am Arlene na fixer umano sa mga hukuman.

Kamakailan ay naisapubliko na sa pamamagitan ng media ang SALN ng mga mahistrado ng SC kung saan si Associate Justice Mariano del Castillo ang pinakamayaman sa mga justices na may net worth na P122,217,723.13 noong 2013. Sinundan ito ni Senior Associate­ Justice Antonio Carpio na may P84,309,762.57 na net worth, ang junior justice na si Associate Justice Marvic Leonen ay may net worth na P1,817,706.75 noong 2013 habang si Chief Justice Maria Lourdes Sereno ay may net worth na P19,012,648.21 noong nakaraang taon.

 

ASSOCIATE JUSTICE MARIANO

ASSOCIATE JUSTICE MARVIC LEONEN

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

CHIEF JUSTICE MARIA LOURDES SERENO

CHIEF JUSTICE RENATO CORONA

COMMISSIONER KIM HENARES

DISBURSEMENT ACCELERATION PROGRAM

HENARES

JUSTICE ANTONIO CARPIO

KORTE SUPREMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with