^

Bansa

Abad ginisa ng Senado sa DAP

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ginisa ng mga senador si Budget Secretary Butch Abad sa pagharap nito sa Senado kahapon para depensahan ang Disbursement Acceleration Program (DAP) ng gobyernong Aquino.

Sa pagdinig ay pinanindigan ni Abad na napakinabangan ng publiko ang DAP na ipinatupad ng pamahalaan simula 2011 upang mapasigla at magkaroon ng “economic growth” sa pamamagitan ng mga hindi nagagamit na pondo ng gobyerno.

“By the third quarter of 2011, it became clear to us that if we wanted public spending to accelerate enough to spur economic growth, we had to use idle funds—money that was not moving—for projects that could not only be implemented quickly, but which could also create a real impact on the country’s economy and the lives of ordinary Filipinos,” ani Abad.

Ipinaliwanag ni Abad na ang cross-border transfers o paglilipat ng pondo mula sa isang branch ng gobyerno patungo sa ibang branch ay kinakailangan para sa “public good”.

Madalas anya ay tumatagal ng taon ang paglalabas ng pondo para sa isang proyekto dahil sa “poor planning” at “slow procurement” kaya napagdesisyunang gamitin ang hindi nagagalaw na pondo o “savings­” ng ibang ahensya para maumpisahan na ang mas kinakailangang proyekto.

Ang kabuuan ng pondo­ na inilaan para sa DAP ay P157 bilyon pero ang aktuwal umanong naaprubahan at na-release ay P144 bilyon.

Ayon pa kay Abad, bago nila ipatupad ang DAP ang gross domestic product ng bansa ay nasa 3.7 porsiyento lamang noong 2011 pero ng ipatupad na ang mga proyekto ang GDP ay naging 6.8 percent noong 2012 at 7.23 percent noong 2013.

Dagdag pa ni Abad, ang paggamit sa savings ng gobyerno ay ginagawa na kahit noong panahon pa ni dating Pangulong Cory Aquino, Pangulong Ramos, Pangulong Erap Estrada at dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

“While I bow to the wisdom of the Supreme Court, I must say, with all due respect, that its decision on these issues may undo the progress we have achieved so far,” sabi ni Abad.

Aminado naman si Abad na tinitingnan pa nila kung alin sa mga proyekto ang natapos na at naipatupad at alin ang mga natigil dahil sa naging desisyon ng SC na nagdedeklarang labag sa Konstitusyon ang DAP.

Inilabas rin ni Abad ang listahan ng mga proyekto sa ilalim ng DAP na matagal ng hinihingi ng ilang senador.

Matatandaan na ang nakakulong na si Senator Jinggoy Estrada ang unang nagbunyag tungkol sa pagtanggap ng karag­dagang pondo matapos ma-impeach si dating SC chief justice Renato Corona­.

Ipinalagay ni Estrada na “reward” ang na­sabing karagdagang pondo para sa mga bumoto ng pabo­r sa pag-convict kay Corona­. (Dagdag ulat ni Rudy Andal­)

ABAD

BUDGET SECRETARY BUTCH ABAD

DAGDAG

DISBURSEMENT ACCELERATION PROGRAM

PANGULONG CORY AQUINO

PANGULONG ERAP ESTRADA

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with