10K pulis ide-deploy sa SONA
MANILA, Philippines - Ilang araw bago ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Aquino, itataas na ng Super Task Force (STF) Kapayapaan sa full alert status ang puwersa nito sa Metro Manila upang tiyakin ang seguridad kaugnay ng nasabing okasyon na gaganapin sa Batasang Pambansa Complex sa Quezon City sa Hulyo 28.
Sinabi ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Carmelo Valmoria, commander ng STF Kapayapaan, na simula sa Biyernes (Hulyo 25) ay nasa heightened alert na ang kanilang puwersa.
Nasa 10,000 pulis ang idedeploy sa bisinidad patungo sa Batasan Complex, Mendiola sa palasyo ng Malacañang at iba pang istratehikong lugar na inaasahang daragsain ng mga ralista partikular na ang mga anti-DAP groups.
Nagsimula na ring makipagdiyalogo ang Super Task Force Kapayapaan sa mga organizers ng mga grupong magdaraos ng kilos protesta upang tiyakin na magiging mapayapa ang ilulunsad na paglalahad ng mga demonstrasyon sa mga idineklarang ‘rally zone’.
Ipatutupad din ang maximum tolerance at no permit, no rally policy.
- Latest