^

Bansa

2 LPA pa nagbabanta

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawa pang magkasunod na low pressure area (LPA) ang nagbabantang pumasok sa bansa kasunod ng bagyong Henry na lumabas na kahapon.

Ayon kay Buddy Javier, weather specialist ng PAGASA, patuloy nilang binabantayan ang isang LPA na nasa may 1,140 kilometro silangan ng Southern Luzon.

Bagamat nakikita nilang hindi ito magiging ganap na bagyo, ang kasunod nitong isa pang LPA ang maaaring pumasok sa bansa na may taglay na lakas.

Sinabi ni Javier na ang ikalawang LPA ay maaa­ring maging bagyo dahil sa laki ng cloud cluster niya, malaki ang movement at mas aktibo ang pag-ikot.

“Next 2 to 3 days ito mararamdaman sa ating bansa kaya dapat ay maghanda tayo at mag-ingat,” paalala ni Javier.

Kapag naging bagyo ay tatawagin siyang Inday. Hindi pa naman anya niya masasabi na sinlakas ito ni bagyong Glenda.

AYON

BAGAMAT

BUDDY JAVIER

DALAWA

GLENDA

INDAY

JAVIER

KAPAG

SOUTHERN LUZON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with