^

Bansa

DAP ideya ni Mabini - PNoy

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ginamit ni Pangulong Aquino ang ika-150 taong kaarawan ng baya­ning si Apolinario Mabini upang ipagtanggol nito ang Disbursement Acceleration Program (DAP) na idineklarang unconstitutional ng Korte Suprema.

Sinabi ng Pangulo, maging si Mabini noong nakaupo ito sa gobyerno ni Emilio Aguinaldo ay isinulong ang konsepto ng DAP sa Malolos Congress kung saan ay dapat daw pabilisin ng ehekutibo ang paghahatid ng serbisyo-publiko.

Ayon kay Aquino, may 3 kaisipan si Gat. Apolinario Mabini na sinisikap isabuhay hanggang sa ngayon ng gobyerno.

Una ay ang kahalagahan ng mandato bilang pundasyon ng anumang gobyerno dahil ang lakas ng estado ay nagmumula sa mamamayan. Ikalawa ay ang pagpupunla ng konsepto ng serbisyo pampubliko sa pambansang kamalayan kung saan ay iginiit ng utak ng rebolusyon na walang sinumang may karapatang pagkakitaan ang kanyang posisyon sa gobyerno.

“Liliwanagin ko pong muli: Ang punto ng DAP ay ang pagdadala ng benepisyo sa taumba­yan sa pinakamabilis at tamang pamamaraan. Sinusulit natin ang kaban ng bayan, upang agarang ibsan ang pagdurusa ng Pilipino,” wika ng Pangulo.

Aniya, pinondohan ng DAP ang maraming proyektong nagbigay o patuloy na nagbibigay ng serbisyo sa taumbayan kahit natapos na ang pagpapatupad ng DAP tulad ng paglalaan ng P1.6 bilyon sa TESDA na nagresulta sa pagtatapos ng may 146,731 scholars kung saan ay 66 percent nito ang nagtatrabaho na.

ANIYA

APOLINARIO MABINI

AQUINO

DISBURSEMENT ACCELERATION PROGRAM

EMILIO AGUINALDO

KORTE SUPREMA

MALOLOS CONGRESS

PANGULO

PANGULONG AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->
ad