Anti-Lemon Law, Graphic Health Warning Bill pirmado na ni PNoy
MANILA, Philippines - Pinirmahan na ni Pangulong Aquino ang limang batas kabilang ang Anti-Lemon Law at Graphic Health Warning Bill.
Sa Anti-Lemon Law, mapoprotektahan na ang mga konsyumer sa pagbili ng substandard o depektibong sasakyan sa pamamagitan ng pagbibigay ng replacement o refund sa mga ito.
Sa ilalim ng Graphic Health Warning Bill nakasaad na 50 porsyento ng pakete ng sigarilyo ay dapat nakalaan sa graphic warning na makikita sa ibabang bahagi ng harap at likurang bahagi nito.
Bukod sa RA No. 10642 o ang Anti-Lemon Law at RA No. 10643 o ang Graphic Health Warning Bill, nilagdaan din ng Pangulo ang mga sumusunod na panukala upang maisabatas: Republic Act (RA) No. 10640 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RA No. 10641 o ang An Act Allowing the Full Entry of Foreign Banks in the Philippines. RA No. 10644 o ang Act Promoting Job Generation and Inclusive Growth Through the Development of Micro, Small and Medium Enterprises.
“Maaaninag sa mga bagong batas na ito ang pagpapatuloy ng mga reporma sa larangan ng ekonomiya at kabuhayan, paglikha ng mas marami pang hanapbuhay, at pangangalaga sa kalusugan at kapakanan ng mga mamamayan,” paliwanag ni Communications Sec. Sonny Coloma.
- Latest