Patay kay Glenda pumalo sa 94
MANILA, Philippines - Lumobo na sa 94 ang bilang ng nasawi sa pananalasa ng bagyong Glenda sa bansa.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umakyat din sa 317 ang mga nasugatan habang anim ang hindi pa makita.
Karamihan sa mga nasawi ay nabagsakan ng puno, poste at debris.
Pinakamaraming nasawi sa Region IV-A na nasa 67; dalawa sa National Capital Region (NCR); walo sa Region III; lima sa Region IV-B; anim sa Region V; isa sa Region VI at lima sa Region VIII.
Lumobo na rin sa mahigit P7.3 bilyon ang halaga ng pinsala ng bagyo.
Nasa mahigit P1 bilyon ang halaga ng mga nasirang imprastraktura samantala P6.3 bilyon naman sa mga pananim, livestock at pasilidad.
Nasa P27 milyon naman ang pinsala sa mga gusali at paaralan.
Nasira rin ng bagyo ang kabuuang 111,372 kabahayan (27, 874 totally/83,498 partially damages) sa mga nasabing rehiyon.
- Latest