7,417 sako ng bigas bigay ng NFA sa Glenda victims
MANILA, Philippines - Kabuuang 7,417 sako ng bigas ang naipagkaloob ng National Food Authrity (NFA) sa mga nasalanta ng bagyong Glenda sa Regions 1, 3, 4, 5, 8 at National Capital Region (NCR).
Ang Region 5 na matinding sinalanta ng naturang bagyo ang tumanggap ng mas maraming suplay ng bigas na 5,787 bags, sinundan ng Region 8 - 2,070 bags; NCR - 170 bags; Region 4 - 120 bags; at Region 1 - 100 bags.
Naipamahagi ang naturang mga bigas sa pamamagitan ng local government units (LGUs), Philippine National Red Cross (PNRC) at Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Kaugnay nito, inatasan ni Presidential adviser on food security and agricultural modernization Kiko Pangilinan si NFA administrator Arthur O. Juan na magmonitor sa galaw ng suplay ng bigas sa mga palengke at iba pang pamilihan upang matiyak na sapat ang suplay ng NFA rice at commercial rice sa tamang halaga.
Sa ngayon ang NFA rice ay may halagang P27 kada kilo at P32 kada kilo ng well-milled rice.
- Latest