^

Bansa

Tahong, talaba sa Masbate, Palawan, Samar bawal kainin

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bawal kainin ang mga shellfish products tulad ng tahong, talaba at halaan mula sa mga baybayin ng Masbate, Palawan at Samar.

Ito ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ay dahil sa mataas na lason ng red tide sa naturang mga baybayin.

Sinasabing nagsagawa ng water sampling ang ahensiya at napatunayang mataas ang red tide toxicity level sa mga baybayin ng Mandaon, Masbate; Ilong-ilong Bay, Maqueda Bay at Villareal Bay pawang sa Samar gayundin sa Honda Bay sa Puerto Princesa, Palawan.

Samantala, patuloy ding ipinagbabawal ang pagkain ng mga shellfish meat mula sa Bataan coastal water laluna sa mga bayan ng Mariveles, Limay, Orion, Pilar, Ba­langa, Orani, Abucay at Samal dahil mataas pa rin ang lason ng red tide doon.

Kaugnay nito, tinagubilinan ng BFAR ang mga local chief executives ng naturang mga lugar na huwag pabayaan na makarating sa mga palengke ang naturang mga shellfish upang maingatan ang kalusugan ng mga residente.

ABUCAY

BUREAU OF FISHERIES AND AQUATIC RESOURCES

HONDA BAY

MAQUEDA BAY

MASBATE

PALAWAN

PUERTO PRINCESA

SAMAR

VILLAREAL BAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with