^

Bansa

CBCP nagbabala sa ibinebentang tiket sa pagbisita ni Pope Francis

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinag-iingat ng Ca­tholic Bishops Confe­rence of the Philippines (CBCP) ang publiko sa pagbili ng tiket kaugnay ng nakatakdang pagbisita ni Pope Francis sa bansa sa Enero.

Sa Twitter account ng CBCP, ang babala ay mula mismo kay Apostolic Nuncio Giuseppe Pinto kung saan sinabi nito na hindi lehitimo ang anumang bentahan ng tiket para sa papal masses at anumang events.

Umapela rin ito sa mga Twitter users na i-retweet ang nasabing babala.

Matatandaan na kinumpirma ng CBCP ang pagdating ng Santo Papa na inaasahang magtutungo sa mga lugar na sinalanta ni Yolanda upang magbigay ng pag-asa at ayuda.

Batay sa initial itine­rary ng Santo Papa, pasisinayaan din nito ang Pope Francis Center, na orphanage at chapel.

Bibisitahin din nito ang Palo Metropolitan Cathedral na winasak ng bagyong Yolanda.

APOSTOLIC NUNCIO GIUSEPPE PINTO

BISHOPS CONFE

PALO METROPOLITAN CATHEDRAL

POPE FRANCIS

POPE FRANCIS CENTER

SA TWITTER

SANTO PAPA

YOLANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with