^

Bansa

Sandiganbayan pinasususpinde si Jinggoy sa Senado

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Iniutos ng Sandiganbayan na suspendihin muna ng 90-araw sa Senado si Senador Jinggoy Estrada na nahaharap sa kasong plunder at graft kaugnay ng pork barrel scam.

Nauna nang hiniling ng Office of the Ombudsman sa korte na suspendihin si Estrada at ang kapwa akusadong si Senador Ramon “Bong” Revilla Jr.

"To prevent the accused from committing further acts of malfeasance, tamper with documentary evidence and intimidate or influence witnesses in the case, it is necessary that the accused be suspended from the office while the case is pending in court," nakasaad sa mosyon.

Bukod sa dalawang senador, hiniling din ng Ombudsman sa anti-graft court na suspendihin ang staff ni Revilla na si Richard Cambe.

Inakusahan si Estrada na kumita ng P183 milyon mula sa ilegal na gawain na pinangunahan umano ng negosyanteng si Janet Lim-Napoles.

BUKOD

INAKUSAHAN

INIUTOS

JANET LIM-NAPOLES

NAUNA

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

REVILLA

REVILLA JR.

RICHARD CAMBE

SENADOR JINGGOY ESTRADA

SENADOR RAMON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with